Monday, June 11, 2007

(Humigit-kumulang dalawang taon na ang nakalilipas mula noong una ko itong isinulat, at ang inilagay ko rito ngayon ay ang edited version; ang first version ay makikita sa link na ito: http://moshies.blogspot.com/2005_05_01_archive.html, maraming salamat)

pisong hindi bumabalik

sabi nila, hindi mabubuo
ang isang daan
kung wala ang piso

sabi ko, hindi ako
makakapagpadala ng mensahe
kung wala ang piso

sabi nila, sa panahon ngayon,
hindi dapat na malugi
kahit na isang piso

sabi ko, kapag hawak na ang
telepono, bahala na ang piso

sabi nila ngayong taghirap,
ipunin kahit na piso

sabi ko, kahit mahirap,
gagastos ako ng piso

basta ba naaalala kita

sabi nila, ngayong hikahos,
walang makain ang mga tao,
at bagsak ang ekonomiya,
wala nang halaga ang piso

sabi ko, ngayong ikaw lang
ang nasa isip ko,
may halaga ang piso

dahil sa bawat mensaheng
pinaaandar ng piso kong
kakarampot kung tutuusin,
kalakip doon ang bawat sandaling
iniisip kita at inaalala kita

kahit hindi na minsan bumabalik ang pisong pinaandar ng mensahe